carloacutis.com   |

Ang Eksibisyon ay may napakalaking koleksyon ng mga larawan at mga pagsasalaysay ng ilan sa mga pinakakilalang Himala ng Eukaristiya (humigit-kumulang 136) na naganap sa loob ng daan-daang taon sa iba't ibang Bansa sa mundo, at kinikilala ng Simbahan. Sa pamamagitan ng mga panel (humigit-kumulang 166 at may sukat na 60x80), maaaring "bisitahin" ang mga lugar na ito. Ang bersyon na ito ng Eksibisyon ay naglalaman ng lahat ng mga larawan na matatagpuan sa lahat ng lenggwahe, samantalang ang mga sulat ay isinaayos ayon sa mga teknikal na pangangailangan.

Sa Panel para sa paglalathala, maaaring i-download ang mga high resolution na panel na may laking 60cm.x80cm. at nakahanda na ang mga ito para i-print. Kung hindi naman para sa pagpapalathala ang paggagamitan ng panel, i-download ang ibang version nito sa Panel para sa web.
Ikalulugod namin na tumanggap ng mga impormasyon tungkol sa isasagawa niyong eksibisyon, samantalang ipinagbabawal,
nang walang pagpapaalam na nakasulat, ang pagpapalabas ng mga panel bilang paraan para kumita.

Sa Brochure-Poster naman, maaaring i-download, nang walang anumang bayad, ang mga high resolution at magagandang brochure at poster na nakahanda na para i-print. Ang PDF file ng mga brochure at poster ay maaaring i-edit.

Sa pamamagitan ng pag-click sa Gamit para sa paghahanda ng eksibisyon, maaaring i-download ang mga magagandang totem na may sukat na 60cm.x175cm. at nakahanda na para i-print. May mga kopya rin ng mga ostensorium ng ilan sa mga Himala at ang mga ito ay tamang-tama bilang pandagdag na dekorasyon sa Eksibisyon. Kasama rin sa folder na ito ang mga Banner para gamiting dekorasyon sa labas at sa pasukan ng Eksibisyon.